All About RV's & Stats: A Mini Guide v1.4 (7/24/06)
Sa mga naobserbahan ko lang ang ididiscuss ko dito at kung may iba nang nakaalam about dito, feel free to correct me kung may mali. Ang nilalaman ng guide na ito ay tungkol sa mga Random Values sa weapon at armor, at tungkol sa mga basic stats, kung ano ang tumataas na sub-stat sa bawat dagdag mo sa main stat at kung ano ang ginagawa ng sub-stats.
Ang pagkakaintindi ko sa RV, yun yung value or stats na pwedeng makuha dun sa drops ng kalaban na equips. Kasi wala naman RV yung binebenta ng NPC. Kaya paiba-iba yung bawas ng kalaban, may attack range din kasi sila tulad natin tsaka may skills din sila kaya malakas minsan yung bawas.
Ang calculation ng RV ay dependent sa defense ng armor at sa attack ng weapon mo lang. Inde sa over all attack and defense mo. Malaki pinagkaiba nun. Ang baseline ng calculcoation ng RV ay yung galing sa NPC. Eto example:
Armor def:
Tight Skirt na 11 def +8.85% RV
11 def din yung Tight Skirt sa NPC kaya yun yung baseline def.
calculation ng RV: 11 x 0.0885 = 0.9735
bale magiging 11.9735 ang defense. Kung -RV naman, ganun parin 11 def. Inde umabot ng 12 kaya 11 pa rin nakalagay na defense sa armor. Yep, kahit inde mo na tingnan yung RV kasi nakasulat na agad sa def ng armor yung total na ibibigay.
Overall armor def:
Pagpalagay nating 90 na ang total armor def mo at nagsuot ka ng tight skirt na example ko kanina.
90 x 0.0885 = 7.965
bale 97.965 ang dapat na defense.
Pag tiningnan mo in-game, yung unang calculation ang gumana. This means na kung gusto mong +2 def yung ibigay ng armor mo, dapat 23 ang baseline def ng armor mo at +9RV.
Try naman natin sa weapon. Medyo mas may effect ang RV sa weapons lalo na sa weapons na mataas ang attack & kapag may energy value.
Weapon attack:
Lite sync bow na 53 - 58 atk +114 energy value +4.39% RV
51 - 56 atk +110 energy value yung nasa NPC for the baseline atk & energy value.
calculation:
51 x 0.0439 = 2.23
56 x 0.0439 = 2.45
magiging 53.23 - 58.45 or 53 - 58 ang attack ng bow.
110 x 0.0439 = 4.829
114.829 or 114 ang energy value ng bow.
Kung may + naman ang armor or weapon mo, uunahin niya muna yung RV calculation bago isama ang + atk or def ng item mo.
Tsaka hindi rin ako sure sa energy value percentage sa armor kasi minsan may RV na + or - din dun. Pero kung for example:
0.59% yung +energy value ng armor at 200 total energy value ka magiging 200 x 0.0059 = 1.18
200 + 1.18 = 201.18 or 201 ang total RV. Sobrang liit lang ng deperensya. Update sa energy value RV, nagsuot ako ng - energy value na armor pero walang binawas sa total energy value ko. Try ko next time sa weapon pag may nakuha na ko.
About sa attack practice and defense practice, lumalabas lang ang RV na ito kapag ang napulot mong item ay upgraded na agad. Meaning +1 na. Pero may mga weapons na inde na upgraded agad kahit may atk & def practice na as said ng ibang posters. Can someone clarify this? Baka may alam kayo about atk & def practice.
For elements naman ang second level elements tulad ng Lightning, Glacier, Venom, and Blaze ay may bigay na dagdag na stats depende sa weapon mo. + sa Int kung Int type weapon, + sa Pow kung Pow type. The higher the + or - RV meaning yung extremes nila like +4.99 and -4.99 RV, mas mataas ang bigay na stat. So far, 5 ang highest na nakita kong + na stat sa weapon..
Stats naman tayo. Ang ilalagay ko lang dito ay kung ano ang nadadagdag sa bawat stat at basic info na rin. Test nyo na rin kung may time kayo hehe...
Pow= +1 Melee per +5 or +6 Pow; +1 Missile per +12 or +13 Pow
Dex = +1 Def per +12 or +13 Dex; +1 Missile & +1 Energy Value per +5 Dex; +1 Melee per +8 or +9 Dex
Int = +1 or +2 MP per +1 Int; +1 Energy Value per +3 or +4 Int
Vit = +1 or +2 HP per +1 Vit
Stm = +1 SP per +1 Stm
Stm = +1 SP per +1 Stm
Based diyan, ang Pow ay walang dagdag sa HP, ang Dex ay walang dagdag sa Evasion, Attack Speed, Cast time, Cooldown time at Accuracy, at ang Vit ay walang dagdag sa Defense.
Attack - eto yung total attack na added from melee (kung short range ka) or missile (kung long range ka) at ng weapon attack. Added pa ang energy value stat sa total attack kung magical attack ang gamit mo.
Melee - close combat damage
Missile - long range attack damage
Energy value - magical attacks *note na inde lahat ng attacks ng int skill tree ay magical attacks tulad ng Shockwave ng Archer. Nagexperiment ako dati kung mas tataas ang bawas nito kung tataasan ang Energy value pero inde ito tumaas. Tumaas lang ang damage nito nung gumamit ako ng weapon na mataas ang attack.
HP - hit points. Syempre dafa ka kung ubus ito
MP - mana/magic points. Kelangan ito para makapag-cast ka ng skills.
SP - kelangan din ito sa casting ng skills at para full ang damage ng skills. Kung below 1/4 ng total SP ka na lang, hihingalin ang character mo at may possibility na mag-miss or half damage lang ang normal attacks & skills mo.
Elemental resistance - resistance mo against magical attacks. Electric resistance para sa tolerance sa skill ng int swordie tulad ng lightning strike. Wind resistance para sa int brawlers. Inde ko pa sure kung ano yung sa iba. Take note na hindi bumababa ang pagtama ng effect ng elemental weapon unless naka-metal body or revitalize ka.
Evasion - rate na mag-miss ang physical attacks ng kalaban. Magical based attacks do not miss.
Accuracy - rate to successfully hit an enemy. Magical based attacks don't need this stat.
Cast time - time to successfully cast a skill. Pwedeng ma-cancel ang skill sa kalagitnaan ng cast time.
Delay time - interval time for a skill to be successfully cast again. Cooldown time ang tawag ng iba dito
Attributes - ang nakikita ko lang na effect nito at pag negative ang Attribute mo, magiiba ang kulay ng name mo at pag sobrang negative, bawal ka sa Non-PK server at inde rin maka-access ng NPCs ang lockers. Tataas ito over time or pwede rin na maglinis sa dormitory. Refer sa ibang guides tunkol dito.
Life Points - ala kong nakikitang effect nito sa experience ko. Kasi kikinang talaga armor mo pag nag-upgrade ka na ng item kahit ala kang life points. Ganun din sa drop rate kasi bihira akong malaglagan kahit dafain dahil sa lag (2 times pa lang sa buong buhay ng characters ko sa RAN).
Salamat sa mga tumulong at tumangkilik ng guide ko. Corrections are welcome pa rin. Sana nakatulong ito sa inyo. Hehe...
0 comments:
Post a Comment